--Ads--

Pansamanatalang hindi madaanan ang kalsada papunta sa Purok 7, Brgy. Alinam, Cauayan City, Isabela matapos bumagsak ang isang bahagi ng irrigation main canal ng NIA-MARIIS sa lugar.

Sa mga nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan na pasado alas kwatro ng umaga ng bumigay ang bahagi ng main canal ng NIA-MARIIS sa boundery ng Del Pillar Alicia at Alinam Cauayan City.

Dahil sa malaking pinsala ay napunta o na divert ang malaking volume ng tubig sa isang bakanteng lote.

Sa ngayon ay isinara na ang main canal at pina paubos na lamang ang tubig nito.

--Ads--

Pinawi naman ang pangamba ng mga residente sa lugar dahil ang tubig mula sa irigasyon ay hindi dumiretso sa mga kabahayan dahil dumaan ito sa isang ilog.

Sa nagayon ay paunti unting sisiskapin na makumpuni ang nasirang bahagi ng irrigation canal dahil ilang lugar sa Cauayan at Bayan ng Angadanan ang maapektuhan dahil sa pagkaantala ng patubig.