--Ads--

CAUAYAN CITY – Naglabas ng update ang Diocese of Ilagan kaugnay sa naitalang sunog sa ilang bahagi ng New Administration Building ng St Ferdinand College sa Lungsod ng Ilagan.

Ayon sa Diocese of Ilagan, umabot lamang sa unang alarma ang sunog kaninang 6:30 ng umaga kung saan napinsala o totally damaged ang Office of the Dean of Accountancy at Accountancy Faculty Room.

Bagamat  partially affected lamang ang iba pang silid ay nangangailangan naman ng major repair ang electrical system, ceiling at roofing ng buong third floor ng New Administration Building.

Wala namang naitalang nasaktan sa pangyayari.

--Ads--

Samantala, posible namang nagmula ang sunog sa naiwang nakasaksak na electric kettle o water dispenser kung saan nakatabi rin ito sa sofa at lalagyan ng mga dokumento.