--Ads--
Inanunsyo nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Sanae Takaichi ang pag-angat ng relasyon ng Pilipinas at Japan mula sa “Strengthened Strategic Partnership” tungo sa “Comprehensive Strategic Partnership.”
Ito ay matapos ang bilateral meeting at joint press conference sa Akasaka State House sa Tokyo bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng diplomatikong relasyon ng dalawang bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos, layunin ng bagong kasunduan na higit pang palalimin ang kooperasyon sa ekonomiya, enerhiya, depensa at seguridad, maritime affairs, at iba pang future-oriented sectors.











