--Ads--

Binigyang-diin ng Malacañang ang umano’y P7 milyong ginastos ng pamahalaan para sa security at staff ni Vice President Sara Duterte sa kanyang mga foreign trip, kasunod ng pagkuwestiyon ng Bise Presidente sa pagsisiwalat ng kanyang travel schedule.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, bilang public official, may karapatan ang publiko na malaman kung saan napupunta ang pondo ng gobyerno, lalo na’t may ginagastos para sa seguridad at mga kasama ni Duterte sa biyahe.

Samantala, kinansela ni Duterte ang kanyang nakatakdang biyahe sa Japan mula ngayong araw, Agosto 19 hanggang 24. Ayon sa Palasyo, inaprubahan ang travel authority noong Agosto 17, habang isinumite ng Office of the Vice President ang request para kanselahin ito noong Agosto 18.

Nauna nang sinabi ni Duterte na nagbago na ang kanyang travel plans at iginiit na seryosong usapin sa kanyang seguridad ang patuloy na paglalabas ng kanyang schedule.

--Ads--

Gayunman, iginiit ng Malacañang na walang problema sa pagbibigay-alam sa publiko tungkol sa kanyang travel authority dahil may kaugnay itong gastusing mula sa pondo ng bayan.