Ipinatupad ng mga kompanya ng langis sa bansa ang malakihang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo, kaninang alas-6 ng umaga.
Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na ipinatupad ang dagdag presyo na P2.20 sa kada litro ng gasoline, P1.40 sa kada litro ng diesel at P1.30 sa kada litro naman ng kerosene.
May big time opil price hike din sa mga nabanggit na produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex na ipinatupad kaninang alas-12:01 ng madaling araw habang ang kompanyang CleanFuel ay magpapatupad alas-4:01 mamayang hapon.
Ang malakihang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.
Matatandaan na nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ang mga kompanya ng langis sa bansa dagdag presyo na P0.10 sa kada litro ng gasolina at bawas presyo naman na P0.10 sa kada litro ng diesel, habang wala namang paggalaw sa presyo ng kerosene.











