--Ads--

Kinumpirma ng PNP Regional Office 3 na “strong currents” o malalakas na alon ang isa sa mga posibleng dahilan ng pagkalunod ng dalawang basketball student-athletes ng Ateneo de Manila University sa Aurora.

Ayon sa ulat, ang mga nasawi ay sina Rene Baterbonia at Divine Adili, parehong miyembro ng Ateneo basketball program. Nangyari ang insidente habang sila ay nasa isang team-building activity, kung saan naliligo umano sila sa dagat nang tangayin ng malakas na alon patungo sa mas malalim na bahagi.

Dinala pa sa ospital ang dalawa ngunit idineklara silang dead on arrival.

Patuloy ang imbestigasyon ng Philippine National Police Region 3, habang nananawagan sila sa publiko na iwasan ang haka-haka at hintayin ang pinal na resulta ng imbestigasyon. Nagpaalala rin sila tungkol sa kaligtasan sa dagat, lalo na sa mga lugar na may malalakas na alon.

--Ads--

Si Baterbonia ay nakatakda sanang maglaro sa UAAP Season 89, habang si Adili ay dating import player sa UAAP Season 88.