Nagtungo sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Martes, Marso 10, ang abogado na nagnotaryo sa affidavit ng 18 indibidwal na nagpakilalang dating Marines matapos itong ipa-subpoena ng ahensya.
Si Atty. Charlie Pascual ay nanatili sa Special Action Unit nang dumating sa NBI Headquarters noong umaga ng Martes.
Inaasahang haharap naman sa NBI ang 18 dating Marines, ang kanilang abogado na si Atty. Levito Baligod, ang dating Congressman Mike Defensor, at iba pang pinadalhan ng subpoena sa Huwebes, Marso 12.
Ayon sa NBI, humiling si Pascual na humarap nang mas maaga dahil sa kanyang prior commitment sa parehong araw.
Matatandaang inihayag ng 18 dating Marines, na dating bagmen ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, na nag-deliver sila ng kabuuang P805 bilyon sa ilang politiko at personalidad.
Nagpahayag ng galit ang abogado sa mga nagsasabing bayaran siya at sa katunayan, nililibre nga raw niya maski magtatahong nagpapanotaryo.
Sabi ni Pascual, mamatay na ang buong pamilya ng bayaran at idiniing ‘pro bono courtesy act’ lamang sa kapwa niya abogado at sa affiants ang kaniyang pagnotaryo.
Sinabi ng lawyer na 2016 pa sila magkakilala sa Mason ng abogado ng ex-Marines na si Atty. Levi Baligod pero hindi sila magkaibigan.











