
CAUAYAN CITY – Nakaranas ng maximum heat index na 36.2-degree Celsius ang ilang bahagi ng Isabela kahapon.
Una nang naitala ang pinakamataas na temperatura sa Lalawigan noong ika anim na Agosto habang naitala naman ang 60 degree celcius na heat index sa Casiguran Aurora nitong ikalabimpito ng Agosto.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Chief Meteorologist Ramil Tuppil ng PAGASA-DOST Echague Isabela sinabi niya na may ilang lugar na rin ngayon sa bansa ang nakakaranas ng higit 40 degreee celcius na heat index.
Ang ganitong kataas ng heat index aniya ay maaaring magdulot ng komplikasyon sa kalusugan gaya ng Heat Exhaustion o heat stroke.
Magtutuluy-tuloy aniya ang maalinsangan na panahon hanggang sa mga sususnod na araw.
Samantala posible ngayong may mamuong cloud cluster sa Extreme Northern Luzon na posibleng mabuo at maging ganap na bagyo.
Babala ngayon ng Weather Bureau sa publiko na umantabay sa mga update sa lagay ng panahon dahil anumang oras ay maglalabas sila ng abiso kaugnay sa namumuong sama ng panahon.









