--Ads--

CAUAYAN CITY – Mariing pinabulaanan ni Mayor Charlton Uy ng Cabatuan, Isabela ang paratang sa kanya na vote buying.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mayor Uy na kahit noong mga naunang halalan na unopposed siya ay sinasabihan siyang bumibili ng boto.

Aniya, paano siya bibili ng boto kung isa siyang un-opposed.

Paliwanag niya, ang mga nagtutungo sa kanyang tahanan ay para kunin ang mga pagkain ng kanilang mga supporters o watchers sa bawat barangay.

--Ads--

Sinabi ni Mayor Uy na pawang imbento ang mga naipo-post sa social media laban sa kanya at sino man ang gumagawa nito ay makita sila sa hukuman matapos ang halalan.

Sinabi pa ng Punong Bayan na mayroon ding nagsampa sa kanya ng kasong graft and corruption sa Ombudsman ngunit ibinasura dahil sa kawalan ng sapat na katibayan.

Aniya hindi na niya kailangang magnakaw para magkaroon ng pera dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng mga tao na may kaya ang kanyang pamilya at may mga negosyo.