--Ads--

CAUAYAN CITY – Naghahanda na ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Diffun para sa gaganaping Blood Letting activity katuwang ang Bombo Radyo Cauayan.

Sa naging panayam ng Bombo radyo Cauayan, inihayag ni MDRRM Officer Hanzel Guiilermo ng Diffun, Quirino na naghahanda na sila katuwang ang Bombo Radyo Cauayan sa isasagawang Blood Letting Activity o Dugong Bombo na gaganapin sa Diffun Evacuation center na nasa tapat nang tanggapan ng BFP Diffun.

Taunan nang isinagawa ng MDRRMC Diffun  katuwang ang  Bombo Radyo Cauayan, Phil. Red Cross  Quirino Chapter  at  Local Youth Development Council ng Diffun, Quirino ang Blood letting activity.

Inaanyayahan nila ang mga nais magdonate ng dugo na magtungo lamang sa venue sa June 21.

--Ads--

Lahat anya ng mga blood donors ay ibabalik ng pamahalaang lokal ng Diffun ang kanilang transportation expenses at mabibigyan ng kanilang Commemorative T-Shirts na Dugong Bombo, Free snacks at Dugong Bombo Certificate.

Ang mga magdodonate ay kailangang naka-face mask at physically fit, 18-anyos hanggang 60-anyos.

Nasa 100 to 120 ang puntiryang makapagdonate ng dugo dahil nagkakaroon na ng pagkukulang ng supply ng dugo sa lalawigan ng Quirino.

Kadalasan anyang nangangailangan ng dugo ay ang mga sasailalim sa operasyon at manganganak habang ang ilan ay nangangailangan ng blood platelet dahil sa sakit na dengue.

Ang mga magdodonate ay kailangang hindi puyat  matulog ng pitu hanggang walong oras, dapat ay hindi nakainom ng alak at walang tattoo sa katawan.

Kailangan ding kumain ng agahan bago magdonate ng dugo.