--Ads--

CAUAYAN CITY – Mechanical error ang nakikitang dahilan ng pagbaliktad at pagkahulog sa gilid ng daan ng isang Dumptruck  sa Barangay Harana, Luna Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Ernesto Gapuz Jr.  Deputy Chief ng Luna Police Station sinabi niya na ang Dumptruck ay minamaneho ni Jovelyn Gavino tatlumput walong taong gulang na residente ng Brgy Patul, Santiago City.

Aniya ang aksidente ay nangyari ng makapalagpas ito sa tulay sa pagitan ng Brgy. Luzon ng Cabatuan at Brgy Harana ng Luna Isabel.

Nang makarating ito sa lugar ng insidente ay hindi na umano gumagana ang manibela na siyang dahilan kayat hindi na ito makontrol ng  Driver.

--Ads--

Maswerte namang nakaligtas ang driver nang makatalon ito sa bintana at wala namang malubhang pinsala maliban sa kaunting gasgas sa kanyang braso.

Ayon kay PCpt. Gapuz pangatlo na ito sa mga naitatalang Vehicular accident ngayong taon.

Paalala niya ngayon sa mga motorista na huwag nang magmaneho lalo kung nakainom.

Aniya alamin din ang batas ng lansangan lalo na sa paggamit ng outer lane para sa mga slow moving vehicles upang maiwasan ang aksidente.