Patuloy ang search and rescue operation ng mga awtoridad para sa isang menor de edad na nalunod sa Calao River sa Purok 1, Barangay Calao East, Santiago City ngayong Huwebes ng hapon, Hulyo 30.
Ayon sa imbestigasyon ng Santiago Police Station 1, nagtungo ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan sa ilog bandang alas-3:30 ng hapon upang maligo at lumangoy.
Habang nasa ilog, aksidenteng napunta umano ang biktima sa malalim na bahagi ng tubig dahilan upang siya ay malunod.
Bandang alas-4:30 ng hapon nang makatanggap ng tawag ang Police Station 1 mula sa isang concerned citizen kaugnay ng insidente kaya agad na rumesponde ang mga pulis sa lugar.
Nakipag-ugnayan naman ang mga pulis sa Santiago City Rescue Team para magsagawa ng search and rescue operation sa Calao River para sa paghahanap at pag-recover sa katawan ng biktima na nagpapatuloy pa hanggang sa kasalukuyan.
This is a developing story.











