--Ads--

CAUAYAN CITY – Nanatiling payapa ang kasalukuyang ginaganap na Balikatan Exercises 2024.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Army Maj. Rigor Pamittan ang DPAO Chief ng 5th Infantry Division Philippine Army sinabi niya na aktibo pa ring nakikibahagi sa Balikatan exercise 2024 ang ilang unit ng 5th Infantry Division Philippine Army.

Aniya kalahok ang 77th infantry battalion sa field training exercises na ginaganap sa Laoag, Ilocos Norte, at field training exercises Key Maritime defense kabilang ang Air Assault at Water battle simulations sa Calayan at sa Batanes.

Kabilang din ang Forward Medical Service Company sa nakiisa sa pagsasanay sa La-lo Cagayan partikular sa 10th field Hospital ng US Army kung saan nagkaroon ng palitan ng mga tactical combat casualty care para matulungan ang mga nasugatang sundalo, habang naitalaga naman ang 502nd Infantry Brigade sa Command Control Exercises sa bahagi ng Ilocos.

--Ads--

Samantala, sa ilalim ng Humanitarian Civil Exercises ay nagpapatuloy ang konstruksyon ng ilang school building sa La Union kasama ang Engineering Brigade ng 5th ID katuwang ang US army.

Kaugnay nito hanggang sa ngayon ay hindi pa nagpapakita ng aggressive action ang China sa nagpapatuloy na Military Exercises ng Pilipinas at Amerika kaya aasahang sa kabila nito ay magpapatuloy ang balikatan exercises na nakapaloob sa Mutual Defense Treaty ng Pilipinas at Amerika.

Isa sa pinaka-layunin ng Balikatan Exercises ay ang mapalakas ang kapabilidad ng Militar gamit  ang mga makabagong kagamitan ng Armed Forces of the Philippines sa pamamagitan ng interoperability sa tulong ng US Forces na makakatulong pra sa kanilang mandatong matiyak ang soberaniya sa teritoryo ng Pilipinas.