--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasa stable na kalagayan ang mga COVID-19 Positive sa lunsod ng Cauayan na kasalukuyang nasa Quarantine Facility.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Marry Christine Purugganan ng City Health Office 2, sinabi niya na batay sa monitoring ng kanilang tanggapan ay unti-unti ng nawawala ang mga nararanasang sintomas ng ilang symptomatic COVID-19 patient sa lunsod.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang contact tracing ng CHO sa mga nagpositibo sa COVID-19 sa lunsod.

Magandang balita rin anya dahil negatibo sa swab test ang iba pang empleyado ng City Hall na nakasalamuha ng mga empleyado ng pamahalaang lunsod na nagpositibo sa naturang virus.

--Ads--

Isa sa mahigpit na tinututukan ngayon ng CHO ay ang ilang establisiyemento na pinuntahan ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Dr. Purugganan, pinayuhan na ang mga naturang establisiyemento na maghigpit sa mga health protocols at sakali mang may makaranas ng sintomas sa kanila ay iulat ito sa mga tanggapan.

Samantala, hinihintay na lamang ng CHO ang resulta ng swab test ng 33 indibidual na naging direct contact ni CV969 na empleyado rin ng CHO.

Inaasahan namang maisasailalim sa swab test ang iba pang nakasalamuha ng naturang pasiyente.

Tinig ni Dr. Marry Christine Purugganan.