--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng pagtitipon ang mga kabataan mula sa mga coastal town ng Isabela upang pag-usapan ang tungkol sa environmental conservation.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Divilacan Municipal and Natural Resources Officer Arturo Umengan kanyang sinabi na ang aktibidad ay dinaluhan ng mga kabataan na mula sa Divilacan, Palanan at Maconacon.

Aniya ang layunin nila ay upang imulat ang mga kabataan sa kalagayan ng mga kapaligiran sa mga coastal areas ng Isabela

Pinapakita umano nila kung ano ang epekto ng mga aktibidad gaya ng kaingin sa mga kabundukan ng Sierra Madre.

--Ads--

Binabantayan din umano nila ang mga iligal na paraan nang pangingisda na nakakasira sa mga corals na tahanan ng mga isda.

Mahigpit naman umano ang kanilang monitoring sa mga dayuhang pumapasok sa karagatan ng Divilacan na kadalasan ay mula sa mga malalayong lugar gaya ng Quezon Province at mayroon ding mga fishing vessels na mula sa Taiwan.