--Ads--

CAUAYAN CITY – Mas pinipili na ng mga magsasaka ng palay sa coastal area ng Isabela pangunahin sa Divilacan ang mag-ani at mag-tresher ng palay tuwing gabi para maiwasan ang init ng panahon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kim Managuelod Staff ng City Tourism Office ng Divilacan, Isabela sinabi niya na hindi na ito bago sa kanilang nasasakupan dahil may mga magsasaka na pinipiling mag tresher ng aning palay kapag gabi para maiwasan ang matinding init ng panahon.

Aniya ang nagsisilbing ilaw ng mga magsasaka ay ang mga dala-dala nilang solar lights na naibinilad sa katanghalian.

Maraming mga magsasaka na aniya ngayon ang nakapag adapt sa ganitong sistema dahil may mga katutubong Dumagat ang naggagapas ng gabi para makaiwas sa mainit na panahon.

--Ads--

Kaugnay nito, may malaking epekto na aniya ang El Nino phenomenon sa mga pananim sa Divilacan, Isabela.

Aniya naging malaking tulong para sa mga magsasaka sa coastal area ang pag ihip ng amihan noong mga nakaraang buwan kaya may ilang nakapag imbak ng tubig at maaga ring nakapag-ani gayunman may ilan na nahuling nakapagtanim at naabutan na ng tagtuyot.

Hindi na rin nakakaranas ngayon ng pag-ulan ang Bayan ng Divilacan, Isabela kahit ilang araw ng nakakaranas ng isolated rainshowers ang mainland Cagayan dulot ng mga localized thunderstorms.

Sa kabila ng kawalan ng pag-ulan at mainit na panahon ay hindi pa rin nagdedeklara ang Lokal na Pamahalaan ng kanselasyon sa face to face classes gayunman may ilang mga eskwelahan ang nagsasagawa ng blended o modular learning.