--Ads--

CAUAYAN CITY – Labis na natutuwa ang mga magulang ni Cdt 1st Class Gemalyn Sugui sa kanyang malaking achievement bilang number 1 sa PMA Masidlawin Class 2020.

Ang ama ni Cdt 1st Class Sugui ay si Ginoong George Sugui, magsasaka at dating barangay Kapitan ng San Antonio Minit, Echague, Isabela habang ang kanyang ina na si Gng. Selma Sugui ay grade 1 teacher sa San Fabian Elementary School sa Echague, Isabela.

Si Cdt 1st Class Gemalyn Sugui ay 25 anyos, bunso sa apat na magkakapatid at nagtapos ng Bachelor of Science in Economics sa University of the Philippines (UP) Baguio City.

Ang kanyang dalawang kapatid ay mga pulis.

--Ads--

Ang kanilang panganay ay isang nurse habang ang ikalawang kapatid ay nakatalaga sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) habang ang ikatlong kapatid ay miyembro ng PNP Special Action Force sa Taguig City.

May mga pulis at sundalo ring kamag-anak ang kanyang mga magulang.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa mga magulang ni Cdt 1st class Sugui ay sinabi nila na hindi man nila personal na madadaluhan ang graduation ng kanilang anak ay natutuwa pa rin sila at lubos nilang ipinagmamalaki ang kanilang anak sa pagiging ng number 1 sa top 10 mula 196 na magtatapos sa PMA class Masidlawin.

Ayon kay Ginoong Sugui, makaraang magtapos ang kanyang anak sa kurso sa UP Baguio City ay nagpaalam siya sa kanila na kukuha ng PMA Exam at nakapasa.

Sinabi pa ni Ginoong George Sugui na nalaman lamang nila sa Bombo Radyo Cauayan nang puntahan sila kaninang umaga at sa kanilang kaibigan na number 1 ang kanilang anak.

Nasorpresa sila dahil hindi sinabi sa kanila ng anak na siya ang top 1 bagamat noong nag-aaral ay sinabi niya sa kanila na siya ay nasa top 10.

Aniya, alam niyang kakayanin ni Gemalyn ang physical at mental pressure at mahirap na training sa PMA ngunit ipinagdasal niya sa Poong Maykapal na gabayan at bigyan ng lakas ang kanyang anak para malalampasan ang anumang pagsubok na mararanasan niya sa loob ng akademya.

Ang tinig ni Ginoong Goerge Sugui.