CAUAYAN CITY- Muling nag paalala ang Schools Divisions Office ng Cauayan sa publiko lalo na sa mga magulang na walang bayad ang graduation fee.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Cherry Ramos ang Schools Division Superintendent ng SDO Cauayan, sinabi niya na ang mga gagastusin sa graduation ngayong taon ay kasali ng budget ng DepEd kaya walang magaganap na kontribusyon.
Aniya maging ang toga na gagamitin ay hindi rin babayaran ng mga magulang, maliban na lamang kung magkakaron ng kasunduan ang Parent Teachers Association (PTA) subalit iginiit niya na ito ay hindi sa pilitan.
Ang anunsyo na ito ay dahil sa mahigpit nilang monitoring sa “No Collection Policy”ng DepEd.
Paglilinaw niya na dapat ikonsidera sa anumang oras ang estado ng pamumuhay ng ilang mga magulang na walang kakayahan na magbayad para sa graduation fee.