Tinamaan ng Israeli strike ang isang Elementary School para sa mga batang babae sa Minab, Hormozgan province.
Ayon sa ulat ng IRNA (state-run news agency ng Iran), hindi bababa sa 53 katao ang nasawi at 63 pa ang sugatan. Patuloy pa ring nililinis ng mga manggagawa ang bedri mula sa gumuhong mga gusali.
Ang pag-atake ay bahagi ng malawakang pambobomba ng US at Israel sa Iran, na nagdulot ng mas matinding karahasan sa rehiyon. Sa dalawa pang estudyante ang nasawi sa isa pang pag-atake sa isang paaralan sa silangan ng Tehran.
Naglabas ng pahayag si Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi, kalakip ang larawan ng nasirang paaralan, at tinawag itong pagpatay sa mga inosenteng bata.
Aniya, “These crimes against the Iranian People will not go unanswered.” Samantala, kinondena rin ng Foreign Ministry spokesperson Esmaeil Baghaei ang insidente bilang isang “blatant crime” at nanawagan ng aksyon mula sa United Nations Security Council.
Ayon sa ulat binibigyang-diin ng Iran na ang mga pag-atake ay lumalabag sa international law, dahil malinaw na tinatamaan ang mga sibilyan at hindi lamang mga target na military base sa ngayon wala pang opisyal na tugon mula sa US at Israel hinggil sa mga alegasyon ng Iran.











