CAUAYAN CITY– Nagsimula nang bumili ang mga Overseas filipino workers sa Tripoli ng kanilang sariling generator sets upang mapaghandaan ang paglala ng kaguluhan sa Libya.
Sa Panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mr. LouieChito Batoon Jaramillo, Chairman ng OFW Organization sa Tripoli, Libya at Maintenance Planner sa isang kompanya ng langis sa Tripoli na karamihan na sa mga Pilipinong manggagawa sa Tripoli ay mayroon nang naka-standby na generator.
Sinabi pa ni Mr. Jaramillo na tubong Ilocos Sur, sa ngayon ay normal pa rin ang sitwasyon sa kanilang pinagtatrabahuang kompanya ng langis sa Tripoli.
Maging ang linya ng mga telekomunikasyon ay normal pa rin sa kabila ng panaka-nakayang labanan sa pagitan ng mga sundalo at mga nag-aaklas na sibilyan.