--Ads--

Makakauwi na sa bansa ang ilang Pilipino na nais magpa-repatriate dahil sa digmaan sa Middle East sa pamamagitan ng chartered flights na inayos ng Department of Migrant Workers (DMW).

Ayon sa opisyal ng Malacañang, ang repatriation ay popondohan ng Emergency Repatriation Fund ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Kabilang sa makakauwi ay 16 OFWs mula sa Israel at 20 mula sa Dubai, kasama ang kanilang dependents.

Ang mga OFWs mula sa Tel Aviv ay bumiyahe palabas ng Israel, tumawid sa Egyptian border, at mula Cairo sasakay ng eroplano patungong Manila, inaasahang darating sa Miyerkoles ng gabi.

Samantala, ang 20 OFWs mula sa Dubai at ang kanilang pamilya ay bumiyahe hanggang Oman, at mula Muscat sasakay ng eroplano pauwi sa Pilipinas, inaasahang darating ngayong Martes ng gabi.

--Ads--

May naka-book din na Emirates Airlines flight para sa mga Pilipino sa Saudi Arabia, na posibleng aalis sa March 14 pauwi sa bansa.