--Ads--

CAUAYAN CITY – Binibigyan na ng kapangyarihan ang mga school heads na magsuspendi ng klase kung kinakailangan dahil sa matinding init o extreme heat na makakaapekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Amir Aquino, tagapagsalita ng DepEd Region 2 na natanggap nila ang DepEd Order number 37 na nagsasaad at nagpapaalala kung kailan maaring gamitin ang distance learning.

Aniya, dahil sa sobrang init ng panahon o extreme heat ay mayroon ng kapangyarihan ang school head na magsuspendi ng klase at gagamitin ang distance learning bilang modality.

Ito ay dahil magiging sagabal sa pag-aaral ng mga mag-aaral ang sobrang mainit na panahon.

--Ads--

May mga lugar tulad ng Tuguegarao City na may aircon upang maibsan ang init ng panahon habang ang ilan namang paaralan ay gumagamit ng ceiling fan o electric fan.

Ngunit maari pa ring maapektuhan kahit may aircon kung manipis ang tustos ng kuryente.

May mga paaralan sa labas ng ikalawang rehiyon na may nahihimatay na mga mag-aaral dahil sa sobrang init ng panahon.

Tinig ni Amir Aquino, tagapagsalita ng DepEd Region 2.