--Ads--

CAUAYAN CITY – Sinampahan na ng kasong Reckless imprudence resulting in double homicide ang driver ng dumptruck na nasalpok ng isang motorsiklo na nagbunga ng pagkamatay ng mag-ama.

Naganap ang aksidente sa Maddiangat, Quezon, Nueva Vizcaya.

Ang mga nasawi ay sina Jeffrey Baquilar, 34-anyos, welder at anak na si Jefferson Baquilar, 6 anyos, kapwa residente ng Ibung, Villaverde, Nueva Vizcaya.

Ang tsuper ng dumptruck ay si Rogelio Mendoza, 46 anyos at residente ng Aurora, Quezon, Nueva Vizcaya.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCpt Angelo Dasalla, hepe ng Quezon Police Station, patungo sa Quezon proper ang dumptruck habang patungong Solano, Nueva Vizcaya ang motorsiklong minamaneho ni Baquilar kasama ang kaniyang anak na nakasakay sa harapang bahagi ng motorsiklo.

Nawalan ng kontrol sa manibela si Baquilar dahil umano sa kalasingan dahilan para ito ay mapunta sa linya ng dumptruck.

Dahil sa lakas ng pagkabangga ay tumama ang mukha ng bata sa dumptruck at pareho silang tumilapon.

Dinala sa ospital ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Ang tinig PCpt. Angelo Dasalla