
CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 46 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa lunsod ng Santiago.
Labing isa sa naturang bilang ang active cases habang 35 ang clinically recovered.
Sa 11 na total active cases ng lunsod ay apat ang nasa pangangalaga ng quarantine facility ng lunsod habang pito naman ang nasa Southern Isabela Medical Center (SIMC).
Wala namang nararanasang sintomas sina CV 810, CV 1033, CV 1064 at CV 1066 na nasa quarantine facility ng lunsod habang ang mga nasa SIMC na kinabibilangan nina CV 976, CV 999, CV 1019, CV 1067, CV 1068, CV 1082 at CV 115 ay nakakaranas ng ilang sintomas.
Kinumpirma naman ng pamahalaang lunsod ng Santiago ang pagpositibo sa COVID-19 ng dalawang frontliners na kapwa residente ng Barangay Patul.
Si CV 1127 ay 25-anyos na babae, may kasaysayan ng paglalakbay sa Quezon City.
Siya ngayon ay asymptomatic.
Si CV 1145 naman ay 41-anyos na lalaki na walang kasaysayan ng paglalakbay subalit nakasalamuha niya sina CV 1082 at CV 1115.










