--Ads--

Nasunog ang isang nakaparadang motorsiklo sa Purok 4, Barangay Villa Hermosa Sur, Maddela, Quirino nitong gabi ng Agosto 20 matapos umanong magkaroon ng spark malapit sa baterya nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay SF04 Joas Bulayang, Officer-in-Charge ng Maddela Fire Station, sinabi nitong pasado alas-siyete ng gabi nang makatanggap sila ng impormasyon mula sa Maddela Municipal Police Station hinggil sa insidente.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Maddela Fire Station, katuwang ang MDRRMO, at mabilis na naapula ang apoy gamit ang dalawang fire extinguisher bago pa ito kumalat sa mga kalapit na ari-arian.

Batay sa paunang imbestigasyon, ipinarada umano ng driver ang kanyang motorsiklo sa gilid ng kalsada matapos maubusan ng gasolina, dahilan upang iwan niya muna ito at bumili ng gasolina.

--Ads--

Ngunit napansin umano niya na nagkakaroon ng spark bahaging malapit sa baterya. Sinubukan umano nito na apulahin ang sunog ngunit hindi na kaya niyo.

Sa ngayon, tinitingnan ng mga imbestigador ang electrical spark malapit sa baterya bilang posibleng pinagmulan ng sunog.

Wala namang ibang ari-ariang napinsala sa insidente.