--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinilala na ng mga otoridad ang nadakip na si David Soriano, ang pinakamataas na pinuno ng rebeldeng New People’s Army sa lalawigan ng Cagayan.

Si David Soriano kasama ang hindi pa kinilalang kasamahan ay sakay ng isang Starex na kulay gray na may plakang WML 500 ng sila ay maharang sa isang checkpoint sa Zone 2, Camasi, Peñablanca, Cagayan.

Batay sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, si Soriano ay galing sa Solana, Cagayan nang siya ay madakip ng mga otoridad.

Samantala, mga armas ang nakuha ng mga rebeldeng NPA sa kanilang pagsalakay sa Pulisya ng Umili sa Amulung Police Station sa lalawigan ng Cagayan.

--Ads--

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, humigit kumulang tatlumpung mga rebeldeng NPA na armado ng malalakas na uri ng baril at nakasuot ng unipormeng pangmilitar ang sumalakay sa PTU ng Amulung Police Station.

Dito tinangay ang isang M14 armalite riffle, apat na M16 armalite, at dalawang 9mm pistol.

Tinangay din ang isang patrol car ng naturang PTU at pagdating sa boundary ng Pacac-Grande at Pacac-Pequeño ng Amulung, Cagayan ay dito nila sinunog ng mga rebelde ang naturang patrol car.