--Ads--

Lalong pinaigting ng Cordon Police Station ang pagpapatupad ng Oplan Kontra kriminiladad bilang bahagi ng mas agresibong kampanya laban sa kriminalidad sa bayan ng Cordon, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Federico Tulay, Deputy Chief of Police ng Cordon Police Station, sinabi nito na naitala nila ang pagkakaaresto sa isang Top 2 Most Wanted Person sa regional level na ngayon ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad.

Bukod dito, isa pang wanted person na nahaharap sa kasong falsification of public documents ang naaresto noong Mayo 9 at kasalukuyan nang sumasailalim sa kaukulang proseso ng paglilitis sa korte.

Binigyang-diin ni PCapt. Tulay na hindi lamang nakasalalay sa hanay ng kapulisan ang responsibilidad sa pagpapanatili ng katahimikan at seguridad sa komunidad.

--Ads--

Dahil dito, nanawagan ang Cordon Police Station sa publiko, lalo na sa mga opisyal ng barangay, na maging mapagmatyag at maagap sa pagbibigay ng impormasyon kaugnay sa mga kahina-hinalang aktibidad at posibleng paglabag sa batas sa kanilang nasasakupan.

Ayon pa sa opisyal, mahalaga ang matibay na pagkakaisa at aktibong partisipasyon ng mamamayan upang higit na mapanatili ang kapayapaan, kaayusan at kaligtasan sa buong bayan ng Cordon.