--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ang isang negosyante at 5 na iba pa matapos masamsaman ng mga baril at daan-daang bala sa magkakahiwalay na pagsisilbi ng search warrant ng mga otoridad sa Nueva Vizcaya.

Sa Ambaguio, Nueva Vizcaya ay nakuha sa pag-iingat ng negosyante na si Vic Arthur Viloria, 49 anyos, may asawa at residente ng Tiblac, Ambaguio ang isang 9mm Caliber Pistol Taurus, 1 Caliber 45 pistol Colt, 1 Caliber 45 pistol Armscor at 1 Caliber 22 riffle, 3 magazine ng 9mm, 2 magazine ng Caliber 45, 118 bala ng 9mm, 68 bala ng Caliber 45, 4 bala ng Caliber 38, isang bala ng Caliber 22 at ilan pang gun accessories.

Nakuha naman sa pag-iingat ng magsasaka na si Eric Macaraeg, 44 anyos, may-asawa at residente ng Tuao South, Bagabag, Nueva Vizcaya ang isang Caliber 22 long riffle, isang pistolized long 12-gauge shotgun, 1 pistolized short 12-gauge shotgun at ilan pang bala ng Caliber 22 at pistolized 12-gauge shotgun.

Sa Bangar, Solano, Nueva Vizcaya naman ay nakuha sa pag-iingat ng tricycle driver na si Joeffrey Lapitan, 38 anyos ang isang airsoft shotgun, 6 piraso ng full metal jacket Caliber 45 cartridge, 3 piraso ng special Caliber 45 cartridge, 1 magazine at 1 itim na holster.

--Ads--

Sa magkahiwalay namang pagsisilbi ng search warrant sa mga bayan ng Dupax Del Norte at Diadi, Nueva Vizcaya ay nasamsam ng mga otoridad ang isang Calibre 38, Calibre 22 at halos 100 na bala sa dalawang magsasaka at real state agent.

Dinala sa mga himpilan ng pulisya ang mga nasamsam na baril at bala at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang 6 na naaresto.