--Ads--

CAUAYAN CITY – Na-endorso na ng National Irrigation Administration Magat River Integrated Irrigation System o NIA-MARIIs sa National Economic Development Authority o NEDA ang kanilang rekomendasyon at feasibility study para sa gagawing dredging na gagawin sa Magat Dam.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Gileu Michael Dimoloy, Department Manager ng NIA-MARIIS sinabi niya na umaasa silang makakapaglaan ng pondo o aaprubahan ng Japan International Cooperation Agency Philippines o JICA ang pondo para sa gagawing pagsasaliksik.

Ang dredging ng dam ay kabilang sa priority program ng Regional Development council para sa Regional Development Program Plan 2023-2028.

Pinaka layunin nito na mas mapahaba pa ang buhay at mas mapalaki ang kapasidad ng dam na sumusuporta sa animnapu’t limang magsasaka sa 92,000 hectares ng tanimang nasasakupan ng Magat Dam.

--Ads--

Maliban sa dredging ay pag-aaralan din ng NIA-MARIIS kung anong mga nararapat na hakbang upang mapigilan ang pagpasok ng putik sa dam.

Paliwanag niya kung magpapatuloy ang pagpasok ng dumi at putik sa dam ay mababawasan ang capasidad nito at mababawasan ang maipapalabas nilang tubig para sa mga sakahan.