--Ads--

Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan ang No. 7 Regional Most Wanted Person na nahaharap sa dalawang bilang ng kasong Statutory Rape sa isinagawang operasyon sa Barangay Tallag, Cabagan, Isabela.

Ang suspek ay itinago sa alyas na Elmer, 56-anyos, may asawa, isang drayber, at residente ng naturang bayan.

Pinangunahan ng Alicia Police Station ang operasyon bilang lead unit, katuwang ang Provincial Intelligence Unit (PIU)/Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Isabela Police Provincial Office, Regional Intelligence Unit 2 (RIU2), at 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company.

Ipinatupad ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa akusado na may petsang Mayo 18, 2026, kaugnay ng dalawang bilang ng Statutory Rape. Walang itinakdang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

--Ads--

Matapos ang matagumpay na pag-aresto, dinala ang akusado sa kustodiya ng Alicia Police Station para sa dokumentasyon at paghahanda sa kanyang pagharap sa korte na naglabas ng warrant.