--Ads--

Inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Santiago ang online application feature ng KaisaKa App na layuning mapabilis ang proseso ng financial assistance at maibsan ang matagal na pila sa mga action center.

Ayon kay Mayor Sheena Tan ng Santiago City, tampok sa bagong sistema ang kakayahan ng mga aplikante na magsumite ng kinaukailangang dokumento at magsagawa ng online na pag-fill out ng application form para sa financial assistance gamit ang kanilang mobile device.

Sa pamamagitan ng digital platfrom, hindi na kinakailangan pang pumila ng matagal sa mga tanggapan dahil maaari nang isumite ang mga requirements online.

Layunin ng inisyatibong ito na mapahusay ang serbisyo publiko, mapabilis ang transaksyon ng mamamayan, at mabawasan ang pagsisiksikan sa mga government offices.

--Ads--

Inaasahan ng lokal na pamahalaan na mas mapapalawak pa ang access ng publiko sa mga serbisyong pampubliko sa pamamagitan ng digitalization at mas episyenteng sistema ng pagproseso ng ayuda.