--Ads--

Natanggap na ng opisina ni Davao City Mayor Baste Duterte ang subpoena mula sa Senate Impeachment Court pasado 1:36 p.m. ngayong Biyernes, Sept. 18.

Kinumpirma ito ni Atty. Ferdinand Topacio.

Pinadalhan ang alkalde ng subpoena upang dumalo sa impeachment trial ng kaniyang kapatid na si Vice Pres. Sara Duterte.

Nakatakda ang kaniyang pagdalo, batay sa nilalaman ng subpoena, sa Sept. 23.

--Ads--

Una nang sinabi ng House Prosecution panel na ang pagdalo ni Mayor Baste ay upang matanong siya ukol sa mga negosyo ng kaniyang kapatid sa Davao City.