--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa 1.3 bilyon pesos ang naipamahaging halaga ng assistance ng Department of Agriculture o DA sa isinagawang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa lunsod ng Ilagan noong ikadalawampu’t lima hanggang ikadalawampu’t anim ng Nobyembre.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Regional Executive Director Rose Mary Aquino ng DA Region 2 na tuwang-tuwa sila sa DA dahil sa dami ng mga magsasaka at mangingisda na interesado sa libreng serbisyo ng kagawaran.

Aniya, umabot sa 1,351,465,049 pesos ang naibigay nilang assistance.

Karamihan ay sa production support service interventions sa pamamagitan ng pagbibigay ng rice seeds, corn seeds, at organic fertilizer na umabot sa 1,162,206,372 pesos.

--Ads--

Nagbigay din sila sa agricultural machineries and agri-infrastructure na nasa 280,558,677 pesos ang halaga.

Mayroon ding P8.7 milyon na assistance mula sa Kadiwa financial grants habang ang farmers challenge program ay may 1.7 milyon pesos na naipamahagi.

Bukod dito ay namigay din sila ng vegetable seeds and seedlings ng mga high value crops na nasa 3,500 packs.

Sa fertilizer discount voucher ay may binigyan silang mga magsasaka na 2,800 na may kabuuang halaga 14 milyon pesos

May P270,000 din silang naibigay sa limampu’t apat na magsasaka para sa small farmers financial assistance.

Ayon kay Regional Executive Director AQUINO, maari pa ring makakuha ng tulong ang mga hindi nakapunta na mga magsasaka dahil patuloy pa rin ang distribusyon sa mga local government units o LGUs.

Tiyakin lamang na rehistrado sila sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA dahil ito ang pangunahing requirement para makakuha ng tulong sa DA.