--Ads--
CAUAYAN CITY – Iinihayag ng NIA-MARIIS na nasa mahigit dalawandaang milyong piso ang posibleng kakailanganin para sa isasagawang feasibility study sa Magat Dam.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Gileu Michael Dimoloy, Dept. Manager ng NIA-MARIIS sinabi niya na nakapagsumite na sila ng proposal sa NEDA para sa Feasibility Study.
Nakikipag-ugnayan din sila para sa grant ng Japan International Cooperation Agency o JICA para makalibre ang pamahalaan sa feasibility study upang makita kung kailangan nang I-dredge ang dam at malaman kung anong mitigation ang dapat gawin.
Inaasahan naman nilang mahaba-habang pag-uusap ang mangyayari dahil sa dami ng dapat isaalang-alang.
--Ads--










