--Ads--

Hindi naging hadlang ang masamang lagay ng panahon para dagsain ng mga deboto ang pangatlong araw ng misa de gallo sa Our Lady of Pillar Parish Church.

Marami ang hindi nakapasok sa loob mismo ng simbahan dahil sa sobrang dami ng tao.

Naglaan naman ang simbahan ng upuan pero dahil sa pag-ulan ay nagkanya-kanya nang maghanap ng mapagsisilungan ang mga deboto habang ang iba ay may dala namang pananggalang sa ulan.

--Ads--

Naging mapayapa naman ang pangalawang araw ng misa de gallo at ayon sa Public Order and Safety Division o POSD ay wala naman silang naitala na hindi kanai-nais na pangyayari ngayong araw kaugnay sa simbang gabi.

Wala rin silang naitala na lumabag sa panuntunan ng simbahan tulad ng tamang kasuotan lalo na sa mga babae.

Wala ring nagpumilit na sasakyan na pumasok sa bisinidad ng simbahan dahil sa mga itinalaga nilang rerouting at parking area.

Katuwang naman ng POSD ang City Disaster Risk Reduction and Management Office, PNP Cauayan City at Bureau of Fire Protection para mapanatili ang kaayusan at seguridad sa simbahan.