Hindi sang ayon ang ilan sa mga nagbebenta ng itlog na gawing per kilo ang bentahan at hindi na kada piraso.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo kay ginoong Ricardo Lucas Jr., bilang isang nagbebenta ng itlog ay sang-ayon umano siya na gawing per kilo ito ngunit iniisip niya rin ang kalagayan ng mga mamimili.
Tiyak aniya na mahihirapang bumili ang mga tao at malulugi kung kada kilo ang bentahan.
Dagdag pa niya magkakaiba ang size at bigat ng itlog. May mga maliliit umano pero mabibigat kaya kung kada kilo ang bentahan ay magiging ilang piraso lang ang isang kilo, kaya mas maganda aniya na kada piraso nalang.
Hindi rin pabor si ginang Sonia Castro sa per kilong bentahan ng itlog dahil mahihirapan aniya ang mga tao na bumili nito.
Dagdag pa niya, mas mainam na kada piraso nalang para makakabili sila kahit 5 pesos lang ang kanilang pera.











