--Ads--

CAUAYAN CITY– Maituturing nang solved case ang pagbaril at patay kay Internal Audit Manager Agnes Palce ng isabela Electric Cooperative o I(SELCO) II noong May 25, 2022 sa San Felipe, Ilagan City

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PCol. Julio Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) na na-inquest na ang gunman na ang may-ari ng motorsiklo na ginamit sa krimen at ang pinsan niyang pinagmaneho nito.

Subalit nilinaw ni PCol. Go na nagpapatuloy pa rin ang kanilang pagsisiyasat upang malaman ang pinag-ugatan ng krimen.

Inihayag ni PCol. Go na matapos ang krimen ay sinuri ng mga kasapi ng Ilagan City Police Station ang kuha ng mga CCTV malapit sa pinangyarihan ng pamamaril at ang posibleng dinaanan ng mga suspect sa kanilang pagtakas.

--Ads--

Sa pagtutulungan ng mga kasapi ng Ilagan City Police Station at IPPO ay nagkaroon ng lead sa pamamagitan ng mga kuha ng CCTV Camera at nakita kung saan bumaba ang mga pinaghihinalaan at driver ng motorsiklo.

Sinuri anya nila ang lugar at nagtanong tanong habang ipinapakita sa mga tao ang CCTV Footage at dito natukoy ang mga may-ari ng motorsiklo.

Mismong ang tsuper ng motorsiklo ang nagbunyag na ang may-ari ng mismong motor ang bumaril sa biktima.

Ibinunyag ng tsuper ng motorsiklo kung papano siya tinawag ng may-ari ng motorsiklo at inikutan nila ang kapitolyo at sinundan ang sasakyan ng biktima hanggang sa inutusang dikitan saka doon na niya binaril ang biktima.

Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang pulisya dahil hindi naman magkakilala ang pinaghihinalaan at biktima at posibleng may nag-utos sa pinaghihinalaan na gawin ang krimen na kanilang masusing iimbestigahan.

Inihayag anya ng gunman na ang ginamit na baril sa krimen ay itinapon sa ilog.

Bahagi ng pahayag ni Col. Julio Go.