--Ads--

CAUAYAN CITY  – Hiniling ng pamunuan ng Cauayan Airport Police Station na nasa ilalim ng ng PNP Aviation Security Group sa kanilang punong tanggapan na magkaroon ng isang bomb sniffing dog, Explosives Ordnance Division (EOD) at Special Reaction Team (SRT) para sa mas mabisang pagbabantay sa seguridad sa Cauayan City Domestic Airport.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj Nora Paat, chief ng Cauayan Airport Police Station, sinabi niya na malaking tulong ang SRT, K9 dog at EOD sa pagbabantay nila sa seguridad sa paliparan dahil araw-araw ang biyahe ng mga eroplano.

Sinabi ni P/Maj. Paat na lahat na ng mga internatioinal airport sa bansa ay mayroong bomb sniffing dog, EOD at SRT para sa pinaigting na pagbabantay sa seguridad ng mga airport police.

Ang tinig ni PMaj Nora Paat