--Ads--

Pinabulaanan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pahayag ng 18 marines na gumamit umano sila ng air taxi flight upang maghatid ng maleta ng pera sa bahay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Ilocos Norte.

Ayon kay Atty. Melvin Matibag, chief ng NBI, wala silang nakitang anumang flight logs na magpapatunay na naghatid ng pera si dating Zaldy Co.

Sinabi ng NBI na sinuri nila ang mga flight records mula 2023 hanggang 2025 ngunit walang natukoy na flight na may kaugnayan kay Co at sa ilang opisyal.

Nauna nang iginiit ni Sgt.Belnard Tube na isinama umano siya ni Co sa biyahe patungong Ilocos Norte upang ihatid ang maleta ng pera sa pangulo.

--Ads--

Ang NBI ang naatasang magsiyasat sa mga ibinunyag ng 18 marines na umano’y naghatid sila ng mga maleta ng pera sa iba’t ibang opisyal ng gobyerno, kabilang si Pangulong Marcos.