--Ads--

CAUAYAN CITY – Inihahanda na ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang mga evacuation centers na pagdadalhan sa mga residenteng maaapektuhan ng Bagyong Egay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Constante Foronda, ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer ng Isabela, sinabi niya na maliban sa mga evacuation centers ay pinaghahanda na rin ang mga water search and rescue teams maging ang pagpapakalat ng mga family food packs sa ibat ibang LGUs.

Aniya lumalapit kasi sa kalupaan ng bansa ang nasabing bagyo kaya maiging mapaghandaan dahil sa inaasahang ito ay magiging isang super typhoon sa mga susunod na araw. Base sa nakikita sa galaw ng bagyo ay inaasahang magdadala ito ng malalakas na pag-ulan na kailangan ngayon ng mga magsasaka at maging ng mga ibat-ibang dam reservoir sa bansa pangunahin na sa Luzon na halos maabot na ang critical level.

Binigyang diin nito na pinaghandaan ng lahat ang paparating na bagyo bagaman inaasahan na magiging beneficial sa mga magsasaka ang hatid nitong ulan. Wala pa naman aniyang isinasagawang preemptive evacuation dahil maayos pa ang lagay ng panahon.

--Ads--

Ang tanging ipinapatupad pa lamang ngayon ng pamahalaang panlalawigan ay ang Liquor Ban dahil nasa ilalim na wind signal ang lalawigan.