
CAUAYAN CITY – Matapos madakip ang salarin sa pagpaslang sa 3rd year nursing student sa lunsod ng Santiago ay dumating na rin ang mga kamag-anak ng biktima na sobrang nagdadalamhati.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Florida Abogade, lola ng biktima at residente ng San Mateo, Isabela, nakikiusap siya sa publiko na tigilan ang pagsasabi na ginahasa ang biktima dahil hindi naman ito totoo.
Aniya walang kapatawaran ang ginawa ng salarin sa kanyang apo.
Anya kung siya ang masusunod ay nais niyang gantihan ang pinaghihinalaan.
Mabuti na rin aniya at nadakip ang salarin para panagutan ang pagpaslang sa kanyang apo.
Masakit anya ang ginawang pagpatay sa kanyang apo at mas mabuti na lang sana kung pinagnakawan lang at hindi na pinaslang pa.
Sinabi pa niya na nagpaalam sa kanya ang apo na hindi muna makakauwi sa bayan ng San Mateo dahil kasalukuyan ang kanyang pagsusulit sa kanilang paaralan.










