--Ads--

CAUAYAN CITY – Isang panibagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang naitala sa lalawigan ng Nueva Vizcaya ngayong araw.

Ito ay sa katauhan ng isang 45-anyos na lalaki at isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Qatar.

Dumating siya sa Clark noong ika-10 ng Hulyo at isinailalim sa swab test at nagpositibo sa virus.

Ginagamot siya ngayon sa Asean Convention Center sa Clark, Pampanga.

--Ads--