CAUAYAN CITY – Hiling ng ilang mga may kapansanang kababaihan ang pantay na pagtrato at walang diskriminasyong buwan ng kababaihan.
Ayon sa ilang mga Person’s with Disability sa lungsod, dahil sa diskriminasyong nararanasan, ilan sa kanila ang nakaranas ng mental breakdown o anxiety.
Nais nilang magkaroon ng normal na trato kahit sa buwan man lang ng Marso dahil ito ang buwan ng mga kababaihan.
Sa naging panayam naman ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Officer in Charge Jonathan Galutera ng Person’s with Disability Affairs Office sinabi nito na sa ikadalawampu’t lima ng Marso ay gaganapin ang Women with Disability Celebration Day sa buong Pilipinas.
Ilang linggo bago ang selebrasyon ay puspusan na ang paghahanda ng ahensya para sa mga aktibidad na gagawin.
Magkakaroon ng leadership enhancement training at tuturuan din Ang mga kababaihang Person’s with Disability ng maaari nilang pagkakitaang trabaho upang mailayo sila sa depresyon.
Hinihikayat ng Person’s with Disability Affairs Office Ang mga may kapansanang kababaihan na makiisa sa selebrasyon bilang paggunita ng kanilang espesyal na araw.











