--Ads--

CAUAYAN CITY – Nadoble na ng mga atletang Pinoy sa larangan ng athletics ang kanilang napanalunang gold medal sa ginaganap na 2019 Southeast Asian Games kumpara noong 2017.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Edward Kho, marketing communications director ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na mayroon na silang naitalang 9 gold, 3 silver at 5 bronze at inaasahang madadagdagan ito ngayong huling araw ng mga kompetisyon sa SEA Games.

Kabilang sa mga laro ngayong araw sa athletics ang decathlon, discuss throw at pole vault.

Pinuri ni Ginoong Kho ang performance ng mga homegrown talents dahil nanalo rin sila ng mga medalya bukod sa mga Filipino-American athletes.

--Ads--

Malaking bagay aniya ang suporta ng crowd sa performance ng atleta kaya nalampasan nila ang kanilang napanalunang 5 gold medal noong 2017 SEA Games.