Nagbabala ang International Monetary Fund (IMF) na maaaring humina ang ekonomiya ng Pilipinas kasabay ng pagtaas ng inflation dahil sa tensyon sa Middle East.
Sa pinakahuling World Economic Outlook, ibinaba ng IMF ang 2026 growth forecast ng bansa mula 5.6% patungong 4.1%, isa sa pinakamalaking pagbaba sa rehiyon.
Ayon sa IMF, ang pagbagal ay dulot ng panlabas na shocks at kahinaan sa loob ng ekonomiya, kabilang ang mababang public investment at humihinang kumpiyansa ng negosyo.
Dagdag pa rito, inaasahang maaapektuhan ang turismo at remittances dahil sa global instability, na magpapahina sa domestic demand.
Kasabay nito, posibleng tumaas ang inflation sa 4.3% sa 2026, lampas sa target ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 2% hanggang 4%, bago bumalik sa target band sa mga susunod na taon.











