--Ads--

Iniharap ng Pilipinas sa United Nations Commission on the Limits of the Continental Shelf (CLCS) ang partial submission nito para sa pinalawak na continental shelf sa West Philippine Sea.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), layunin ng hakbang na tukuyin ang panlabas na hangganan ng continental shelf ng bansa alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.

Kasama sa inihain ng Pilipinas ang karagatan na lampas sa 200 nautical miles mula sa baseline nito, na maaaring umabot hanggang 350 nautical miles.

Hiniling din ng delegasyon ng Pilipinas sa CLCS na isaalang-alang ang mga desisyon ng mga internasyonal na tribunal, kabilang ang 2016 South China Sea Arbitral Award na pumabor sa bansa laban sa malawak na pag-aangkin ng China sa South China Sea.

--Ads--

Pinangunahan ni Philippine Ambassador to the United Nations Enrique Manalo ang delegasyon na binubuo ng mga opisyal mula sa DFA, Department of Justice, Office of the Solicitor General, NAMRIA, at mga eksperto mula sa University of the Philippines.