--Ads--

Nakakuha ang Pilipinas ng ₱56.3 bilyong halaga ng investments at humigit-kumulang 10,300 trabaho matapos ang state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon kay DTI Secretary Maria Cristina Roque, mula Mayo 26 hanggang 29 ay nakipagpulong ang delegasyon ng Pilipinas sa ilang malalaking kumpanyang Hapones gaya ng Furukawa Electric, Sumitomo Electric Industries, MinebeaMitsumi, at Tsuneishi Group.

Ilan sa mga pamumuhunan ay nakapagpasimula na ng operasyon, kabilang ang ₱30 bilyon mula MinebeaMitsumi at ₱10 bilyon mula Tsuneishi Group na nakatakda sa shipyard project sa Balamban, Cebu.

Sinabi ng DTI na patunay ito ng patuloy na tiwala ng mga dayuhang mamumuhunan sa Pilipinas at inaasahang makatutulong sa paglikha ng mas maraming trabaho sa bansa.

--Ads--