--Ads--

Mariing kinondena ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang AI-generated video at mga editorial cartoon ng state-run China Daily na naglalarawan umano sa mga Pilipino bilang mga unggoy kaugnay ng ika-10 anibersaryo ng 2016 South China Sea Arbitral Award.

Hiniling ng DFA na agad itong alisin at naghain na rin ang Pilipinas ng pormal na diplomatikong protesta laban sa China Daily. Nauna nang ipinaabot ni Foreign Affairs Undersecretary Leo Herrera-Lim ang pagtutol ng bansa sa Chinese Ambassador na si Jing Quan.

Ayon sa DFA, mapanlait, racist, at hindi katanggap-tanggap ang naturang paglalarawan sa mga Pilipino.

Kinondena rin nina Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr., National Security Adviser Eduardo Oban Jr., at PCG spokesperson Rear Admiral Jay Tarriela ang video. Iginiit ni Tarriela na walang puwang ang rasismo sa lipunan at hindi maihahambing ang naturang video sa isang satirical cartoon dahil wala itong racist na nilalaman.

--Ads--

Samantala, itinanggi ng Ministry of Foreign Affairs ng China na may kinalaman ang kanilang pamahalaan sa AI-generated video na na inilabas ng state-run media outlet na naglalarawan sa mga Pilipino bilang mga unggoy habang tinutuligsa ang 2016 Arbitral Award sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesperson Lin Jian, wala siyang komento sa naturang video at nilinaw na hindi ito ginagawa ng China.Mga Southeast Asian at Pacific Islander

Gayunpaman, muli niyang iginiit ang matagal nang posisyon ng Beijing na hindi nito kinikilala ang 2016 South China Sea arbitral ruling, na aniya ay ilegal, at walang bisa.

Samantala, nanindigan ang Pilipinas sa bisa ng naturang desisyon, na nagsasabing walang legal na batayan ang malawak na pag-aangkin ng China sa pinag-aagawang karagatan.Sanggunihang Pang-heyograpiko

Nauna nang hiniling ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa state-run media outlet na alisin ang AI-generated video sa social media.

Inilarawan ng DFA ang video bilang racist, nakakainsulto, at pang-aalipusta sa dignidad ng mga Pilipino.