--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga opisyal ng Brgy. San Fermin, Cauayan City sa BFP Cauayan tungkol sa sanhi ng sunog sa kanilang nasasakupan.

Matatandaang pasado alas dose ng tanghali kahapon nang sumiklab ang sunog sa bakanteng lote malapit sa mga kabahayan sa Villegas Street, nang nabanggit na barangay.

Naging mabilis naman ang pag-responde ng mga bumbero dahilan kaya’t naapula ang apoy matapos ng ilang minuto at walang nadamay sa mga kalapit na bahay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kagawad Jake Joaquin Asirit, sinabi niya na hinihintay pa nila ang imbestigasyon ng BFP Cauayan tungkol sa maaring pinagmulan ng sunog.

--Ads--

Aniya ito na ang pang apat na naitalang sunog sa kanilang lugar simula noong nakarang buwan hanggang sa kasalukuyan.

Tatlo rito ay grass fire at ang tinitingnang sanhi rito ay ang pagsusunog ng mga basurahan sa mga residente.

Nito lamang linggo ay isang bahay ang nasunugan dahil sa nalingat ang may-ari habang siya ay nagluluto at maswerteng walang nasaktan sa pangyayari.

Nagpaalala naman ang kagawad sa lahat na magdoble ingat upang maiwasan ang sunog.