--Ads--

Matinding pagbaha ang tumama sa Hawaii matapos hagupitin ng magkasunod na bagyo, na nagdulot ng malakas na ulan at hangin.

Inilikas ang libu-libong residente sa Oahu dahil sa banta ng pagguho ng Wahiawā Dam, na nasa kritikal na kondisyon.

Ayon sa mga otoridad, wala pang naitalang nasawi, ngunit ito na ang pinakamalalang pagbaha sa loob ng 20 taon. Mahigit 200 katao na ang nailigtas habang patuloy ang banta ng flash floods.

Tinatayang aabot sa $1 bilyon ang pinsala sa mga bahay, kalsada, at iba pang imprastraktura.

--Ads--